Preview only show first 10 pages with watermark. For full document please download

Ang Bagong Daan Ng Krus

Panalangin (Lahat) 2|AN G BAGON G DAAN N G KRUS 칭키 . saka lumuhod at nanalangin. Lahat: Salamat sa ..... Kaya‟t kinuha ni Jose ang bangkay at binalot ng bagong kayong lino. ... Bayan, Umawit Songbook (PDF File) · Pagdalaw Sa ...istasyon ng krus tagalog 2017ikalimang istasyon ng kruskopya ng daan ng krusikaanim na istasyon ng krusikawalong istasyon ng krustumulong kay jesus sa pagpasan ng krus

   EMBED

  • Rating

  • Date

    June 2018
  • Size

    29.2KB
  • Views

    377
  • Categories


Share

Transcript

walang hanggan. Nananatili ka sa aming piling upang maging patuloy na palatandaan ng nagliligtas na pananatili ng Diyos sa lahat ng sandali ng aming buhay. Patawarin mo kami, Panginoon sa lahat ng sandali na kami ay hindi nagpapahalaga sa iyong paghahandog sa amin ng iyong sarili at sa iyong mapagmahal na pananahan sa Banal na Eukaristiya.  Ama Namin…  Aba, Ginoong Maria… Luwalhati … IKALAWANG ISTASYON ANG PAGDURUSA NI HESUS SA HALAMANAN Gabay: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan. Pagbasa Gaya ng kanyang kinaugalian, umalis si Hesus at nagtungo sa Bundok ng mga Olibo; at sumama ang mga alagad. Pagdating doo‟ys sinabi niya sa kanila, “Manalangin kayo, nang hindi kayo madaig ng tukso.” Lumayo siya sa kanila nang may isang pukol ng bato, saka lumuhod at nanalangin. “Ama,” wika niya, “kung maaari‟y ilayo mo sa akin ang kalis na ito. Gayunma‟y hindi ang kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban mo.” Tigib ng hapis, siya‟y nanalangin nang lalong taimtim; tumulo sa lupa ang kanyang pawis na animo‟y malalaking patak ng dugo. Tumindig siya pagkapanalangin at lumapit sa kanyang mga alagad. Naratnan niyang natutulog ang mga ito dahil sa tindi ng dalamhati. (Lu 22: 39-45) Gabay: Ang Salita ng Diyos. Lahat: Salamat sa Diyos. Panalangin (Lahat) 2|ANG BAGONG DAAN NG KRUS 칭키